ano na naman kaya ang pumasok sa kokote ng palakang nitech?
may ilang taon na rin mula nang huli akong mag-blog. ewan ko, tinamaan lang ng katamz.
marami rin kasing inintindi sa buhay. makabuluhan man o hindi. (at kadalasan nga, hindi.)
mahilg talaga maglaro ng utak ko. mag-isip ng kung anu-ano. nga lang, 70% ng mga kuru-kuro, opinyon, suhestyon, reaksyon o ano pa man eh nabubulok na lang dito oh *turo* ..sa isipan ko.
pag sinipag nga naman. parang pagka-cram lang yan eh. gumagana ang utak mo when you least expect it.
diba?
at bakit nga pala tagalog na tagalog ako?
simple lang. dito ako mas komportable. hindi naman ako super trying hard mag-ingles e. taglish, pwede pa, pero deretso inlges? no way, ho zay! isa pa, hindi rin naman ako pa-sosyal. hehe.
ayun. dala lang siguro 'to ng gutom. kung anu-ano na naman ang naglalaro sa kokote ng palakang ito. maka-lafang na nga.
^^,)

0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento